Tuesday, November 30, 2021

"Doc In , Doc Out: An Open Letter Para sa Antok 2021"


 "Doc In , Doc Out: An Open Letter Para sa Antok 2021"

by:

Virgilio F. De leon Jr.MD


Dear Ate/Kuya na Antok,


Kung di niyo po kayang magtrabaho dahil kayo ay walang tulog. Mangyari po na ipagpaalam na ninyo ng mas maaga sa inyong mga TL. Di yung , nakaligo ka na , nakabiyahe ka pa at higit sa lahat nalakad ang pagkahaba habang pasilyo papunta ng clinic para sabihin lang na di mo kayang magcalls at nahihilo ka dahil wala kang tulog.


May gamot akong ibibigay sa iyo pero nasa iyo na yun kung paano mo gigisingin ang iyong sarili. Marami ding antok sa mga kasama mo at mahirap din ang adjustment kung ikaw eh nasanay na pang araw. Kaya di talaga para sa lahat ang trabahon na ito.


Kung gusto mo ang trabaho at kailangan mo ang trabaho. Matulog ng maayos.Uminom ng kape o energy drink na pamgpagising. Kung di talaga kaya , magsabi sa kinauukulan. Hayaan natin na ang clinic ay maging lugar para sa mga tao na tunay na nangangailang ng tulong at di tulog lang.Salamat.


Sana di na kita makita,


Doc June

No comments:

Post a Comment