Monday, November 28, 2022

"Bigkas"

 "Bigkas"

ni:

HunyoMD


I

Sa sulok ng kuwarto

humihikbi ang natirang mga hibla

Ng mga alala na di mapakawalan

Mga bagay na matagal nang nawalan ng panagalan


II

Tumatawag pa din sa kahinaan

Umaapela kung naman kailan

Nakapunta na sa mga lugar

Na pawang di na madadaanan


III

Pinipilit di marinig

kinakalimutan ang mga daing

Di nililingon ang kahapong nasaktan sa baling

Tumitingin sa liwanag sa dulo ng Dilim.


Rockwell , November 28 , 2022.