Tuesday, March 1, 2022

"Ikaw"

 "Ikaw"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD


I

Minsan nahihirapan sa pagbuo ng tula

Mga bagay na naalala kahit saglit lang

Ang init ng hangin pagkatapos ng isang halik

Ang lamig ng dibdib sa muli mong pagalis


II

Kadalasan dumadaloy ang mga salitang ayaw na

pero lumalapit naman kapag muling nayaya na

Iiiling ang ulo na parang walang pagpipilian

pero alam naman kung sino at sino ang dulo at simula


III

Ramdam ang mga daliring lubos na mapaglaro

hinahabol ang korte ng kamay niya at ako

Na minsang nang naging iisang pulso

Pero sadyang napaglalayo.


IV

Minsan lang nahihirapan ang sabi ko

Ang katotohanan di naman din naiibsan

Iiling na lang ang ulo sa pinagpiliang landas.

Na kinalimutan na naman ang mga salitang ikaw.



Optum , Quezon City. Pebrero 8 , 2022. 4:48am