Friday, September 10, 2021

"Napuno.Ang.Nambulsa"


"Napuno.Ang.Nambulsa"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD

I

 Ano pa ba ang aasahan sa isang halimaw?

Kundi ang salita at asal ng isa.

Maghahanap ka ba ng papuri?

Kung wala ka namang maayos na nagawa?


II

Tatayo ka at sasabihing sino ang may gusto ng mga patay?

Na ikaw mismo na tumayo ang may hiling.

Namamatay na mga mata'y nakatirik

Perang para sa kanila eh nasa iyong bulsa


III

Isang grupo lang ba ang may pakialam?

Eh parang ganun na nga lang

Di nagtutugma lahat ng sinasabi

Sa mga harapang pinagagawa.


Optum , Quezon City. September 11 , 2021. 6:53am Poem 9 of 30. 


No comments:

Post a Comment