Friday, September 10, 2021

"Ang Huling Bulalakaw"

"Ang Huling Bulalakaw"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD


I

 Bulalakaw sa langit nanggaling

Sa lupa humalik ng buong galit

Napuna ng kabundukan ang mga abo

At ang pagliyab ng mga tao.


II

May nagsabi na kailangan ang bagong simula

Para di na maulit ang nakaraan

Pero ang nakaraan din ang nagtuturo

Na mauulit at mauulit lang din ito.


III

Minsan kailangan tanggapin ang mga bagay

Di mababago ng taimtimang paghihimlay

Mga bagay na dumarating lamang

Para sadyang baguhin ang lahat.


Optum , Quezon City. September 11 , 2021. 6:59am. Poem 10 of 30. 

No comments:

Post a Comment