Monday, September 13, 2021

"Naguumpisang Pangako"

"Naguumpisang Pangako"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD 


I

At muling tumalikod

Ang mga nagpapanggap

Na may paki sa kapwa

Na magaahon sa dukha


II

Sa pagtalikod nakangisi

Naloko na naman ang tao

Sa pagtalikod ang tao ay ibibigti

Sa lubid ng kanilang kalimot


III

Haharap nang muli at ngingiti

Mangagako , magtantanggol sa mga api

Pero hawak ang punyal

Baon sa mga memoryang maikli


Optum , Quezon City. September 14 , 2021. 4:50am. Poem 11 of 30

No comments:

Post a Comment