Monday, September 13, 2021

"Naabutan ng Asul"

"Naabutan ng Asul"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr,MD

 

I

Nagsabi nang minsan

Di na masisilaw sa mga pangako

Pero naabutan ng Asul

Nawala ang pagbabago.


II

Di ko ibebenta

Di ko ipagbibili

Yayakapin ang dangal

Pero nasa huli din ang sisi


III

Umikot lang ang putik

At ang putik ang lumunod muli

Naabutan ng Asul

Di na muling nagsuri.


Optum , Quezon City. September 14 , 2021 4:56am Poem 12 of 30.

No comments:

Post a Comment