Monday, September 13, 2021

"Mga Telang Natupok"

"Mga Telang Natupok"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD

 

Nasunog ang mga tela

Natupok ang bawat hibla

At ang mananahi di makapaniwala

Nasa Sulok at nakatulala


II

Dumaan ang nakaraan

At ang lilipas as kusang lumipas

Andito pa din sa kasalukuyan

Ang mga naiisip ay umaangkas


III

Saan na nga ba napunta ang mga naisip?

Nabaon ba sa kailailalim?

Sabay sa pagbulong ng hangin

Inubos ang huling liwanag ng Dilim


Optum , Quezon City. Septemeber 14 , 2021. 5:03am Poem 13 of 30.

No comments:

Post a Comment