"Bangon na Pagong"
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD
I
Totoo ba na mabagal ang iyong lakad?
Nakatingin sa sahig , walang sagot?
Patuloy ang parang gapang
hanggang sa dulo ng mga ito.
II
Di ka ba nakaisip na itakbo
Ang maikli namang distansya?
Tahimik ka pa din sa paglakad
Meron ka bang deperensya?
III
Kasing bagal ng pagong
pero alam kong di ka naman mabagal
Itigil mo na ang pagpapanggap
Bumangon ka na at tumakbo.
Optum , Quezon City. September 15 , 2021. 7:15am Poem 15 of 30.
No comments:
Post a Comment