Friday, August 28, 2020

"MECQ Horror Stories(June 2020)"

"MECQ Horror Stories(June 2020)"

ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD

Sa araw araw na lumilipas bakit ganun pa din kaya? Originally posted this last June 2020 when MECQ was declared. It is not August 29 , 2020. GCQ na. But the horror stories are still the same.

1) Dalawang buntis na nagtsisimisan sa daan habang ang mga mask nila ay hanggang nasa baba lang. Naglalakad sa maraming tao na parang normal. 

2) 3 Teenager na walang mask na magkakaakbay habang tumatawid sa daan na parang may sariling silang music video. 3 potential may COVID tapos lahat ng kasama nila sa bahay na walang kaalam alam kung saan sila galing at kung ano ang ginawa nila. 

3) Nagmaskara pero bibig lang ang tinakpan.  

4) Nagmaskara tapos binaba para magyosi.Nakipagkuwentuhan.

5) Nagjogging sa maraming tao ng walang mask. Napagod tumayo tayo habang hinihingal sa gitna nila.

6) Nakitang lahat nag social distancing sa tindahan. Sabay biglang tabi dun sa nauna. Sumingit. 2 stick lang daw bibilhin.  

Sa Normal na araw walang papansin sa mga eksena. Sa mga ganitong araw nararamdaman mo na yung 2nd Wave. 

No comments:

Post a Comment