Tuesday, July 30, 2019

"Ang Tahimik Na Paalam"

"Ang Tahimik Na Paalam"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Ang hirap talaga nang di nasasabi
Mga bagay na matagal nang andito
Parang mauubusan na ng oras
Ano pa? Ano ang gagawin ko?

II
Nakangiti ka , Nagpapaalam
Di masabi na sana wag na lang
Pakikinggan ba ang sumamo?
Kahit na ang pangarap mo ang hadlang?

III
Kaya tinikom ang bibig
Yumakap ng mahigpit
kumakabog ng sobra ang dibdib
Nanalangin na di mo marinig

IV
4 na taon lang naman sabi mo
4 na taon eh parang ilang siglo
Pero sabihin man sarado na ang pinto
Maghihintay na lang muna dito.

Optum Bldg.N , UP Ayala Technohub , Quezon City. July 31, 2019 4:07am

No comments:

Post a Comment