Thursday, January 31, 2019

Dear Nabully,

Dear Nabully,

Nung una tayong nagkita ay tumaas ang BP mo. Minanage ka namin  at sinuring mabuti at sinigurandong stable ka na nung pinabalk sa floor. Tapos na sana ang kuwento natin ng gabing iyon dahil tahimik naman pareho ang ating mga duty(Salamat MLK!) kaso lang bumalik ka at nagpupumilt na magpauwi sa akin.

Ang sabi mo ay ayaw mong makita ang iyong manager na sinisigawan ka at nabubully ka kamo , na dahil sa iyong health ang dahilan. Ganito po kasi yan Sir , di na po kasi kayang ng clinic na manghimasok sa mga personal niyong alitan ng manager mo. At halos mag 50 ka na pero ang lumalabas pa din sa bibig mo eh nabubully ka. Wala na po tayo sa playground. Kung sinisigawan ka ng manager mo direkta mong ireklamo sa HR kasi di kayang pasukin ng Clinic yan.

Kung ayaw mong bumalik sa floor kasi ayaw mong makita ang manager mo di na po yata tama na sa clinic mo ikunsulta yan di ba? Personal issue eh di na sakop ng clinic.

Di natutuwa sa iyo,

Doc June

No comments:

Post a Comment