Friday, August 3, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients - Fiona 2"


"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients - Fiona 2"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Fiona,

Alam ko na medyo di maganda ang ating relasyon. Kailan lang ay nalaman ko na nangholdap ka pala ng taxi at nahuli ka pa at habang nasa presinto ay nagpakitang gilas ka sa mga pulis sa paggamit ng matatas nag ingles.

Di naman ako masyadong takot pero ko sa susunod na visit magpakapkap ka muna tayo magconsult ha. Baka mamaya kasi kapag dineny ko yung request mo for voice rest para sa pulikat sa paa mo eh bigla kang maglabas ng butter knife at maghostage. Tapos sasabihin mo na di mo dala yung butter knife at napulot mo lang bago ka pumunta ng clinic.

Kaya simula ngayon kapag ikaw ang pasyente ko eh magpapastandby ako ng guwardiya.Di naman talaga ako takot. I just want you to feel special. Not really.

Magrerequest ng Metal detector sa Clinic,

Doc June

No comments:

Post a Comment