Friday, July 20, 2018

"Dumating"


"Dumating"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Ang sabi ko ay maghihintay
At sabi mo ay darating
Kaya ako ngayon ay andito pa din nakatayo
Pero hindi ko alam kung darating or gaano ka kalayo

II
Tumitingin sa orasan , malapit na ang hating gabi
Pumipikit iniisip na lang ang iyong mga ngiti.
Di naiinip kahit nilalamok na
Inaantok pero tuloy tuloy sa pagaabang

III
Napanbuntong hininga at ngayon alas tres na
Nilalamig magisa pero wala ka pa.
walang pasabi , walang text , walang sinabi
Di sinasagot ang sunod sunod na tawag.

IV
Kanina ka pa pala nandiyan. Yumayakap.
Umiiyak at humihingi ng tawad.
Sumisigaw sa tenga ko na di ko naririnig.
Nagsasabing mahal mo ako at pangakong laging tatabi.

V
Tumayo ako kung saan nasaan ka.
Nagalit at sa huling beses nagsabing di na ito mauulit.
Umiyak ka lang doon ng tahimik. Umaasang malalaman ko din.
Pero di ko na nalaman. Di ko na din inalam.

9:25am 07/09/2018 Little Tagaytay , Valenzuela City. 

No comments:

Post a Comment