Thursday, July 26, 2018

"Doc In , Doc Out - Nagbigay na ng gamot parang di naman nagwowork"



"Doc In , Doc Out - Nagbigay na ng gamot parang di naman nagwowork"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

GF ng Patient:(Taray mode) Nurse masakit na naman tiyan nito. Monday pa. Friday na ngayon. Binigyan ng gamot nung doctor parang di naman nagwowork.

Nurse referred patient to me for consult.

Me:(speaking directly to Patient) Ano pong gamot binigay sa inyo sir?

Patient: Erceflora lang doc.

Me: Ok. Para po mabalance ang population ng good bacteria sa tiyan ninyo. Ilang araw niyo na pong iniinom kasi simula pa daw ng lunes masakit tiyan. 

Patient: Ah.Yun nga Doc. Namahalan po ako dun sa Erceflora kaya nag Yakult na lang ako.

Me:Ilang Yakult po ininom niyo Sir?

Patient: Isang pack po.

Me:Isang pack? Inubos mo ng isang upuan lang?

Patient: Opo. Masama po ba yun?

Me: Dapat talaga once or twice a day lang yun. And di talaga nakakatulong sa matinding pagtatae. So di mo iniinom talaga yung dapat na ininom mo? (at this point I was waiting for the GF to say something...Nothing)

Patient: Opo Doc.

Me: Oh ito ang bagong reseta. Bilhin mo na at simulan mo na ha? Mahirap kasi yung di mo iniinom. Di talaga magwowork yan.(Still no response from the GF)

I observed na binatakun nung GF na hanggang kilikili lang nung BF niya habang lumalabas ng Clinic. 

No comments:

Post a Comment