Friday, April 13, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:Sino ang umiinom ng Vitamins Edition"


"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:Sino ang umiinom ng Vitamins Edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Patient,

Oo ikaw. Ikaw na nakasabay ko sa Elevator kanina. Ikaw na nagmamalaki na marami kang vitamins sa bag mo pero di mo iniinom. At ito eh para din sa kasama mo na di din nagpatalo na marami din daw siyang vitamins sa bag pero tinatamad siyang inumin.

Hmmmmm.Minsan may urge ako ng mangumpog ng mga tao. Ito yung isa sa mga moment na yun.

#1 Yung bag ba ang iinom ng vitamins?

Sana maging healthy ang bag mo. At sana ikaw naman eh di ko makita sa clinic kasi iniipon mo lang vitamins mo instead na iniinom mo.

#2 Gaano ba kahirap uminom ng vitamins? Kuha ng isang basong tubig , inumin ang vitamins , inuman ng tubig. Wala namang math involved. Once a day lang. So gaano kahirap yun?

#3 Sa susunod wag niyong ipagmayabang yung mga katamaran niyo kasi di naman talaga siya impressive.

Yun lang. 

Di masyadong Nagmamahal,

Doc June

No comments:

Post a Comment