Friday, March 23, 2018

"Doc In , Doc Out:Stolen Breast Milk Edition"


"Doc In , Doc Out:Stolen Breast Milk Edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Breastmilk Thief,

Sana ay ok ka naman at ang anak mo. Malamang na di mo nababasa ito kasi di naman kita kilala pero ang kilala ko ay yung ninanakawan mo ng 4 na bags ng breast milk na sana ay para sa anak niya.

Naiintindihan ko pa siguro kong kumuha ka ng isa or dalawang bag pero yung lahat kinuha mo? Ano ba balak mo one week supply? Ilan ba ang baby mo at kukulangin ka ng gatas? O binebenta mo ba yan? Di ko alam kung ano sinasabi mo sa sarili mo para majustify yan?

Mabait pa naman yung ninakawan mo and kung humingi ka lang eh bibigyan ka nun. Pero siguro nahiya kang tanungin siya. Ang di mo kinahiya eh nakawin yung gatas niya. Weird sense of priorities there.

A part of me wishes na mahuli ka sa CCTV footage para may justice pero a part of me also wishes na wag kasi kawawa naman yung anak mo kung pati yung mommy niya eh mawawalang ng trabaho.

Your actions trouble me. Yun lang.

Di masyadong nagmamahal,

Doc June

No comments:

Post a Comment