"Doc In , Doc Out:Cheek Numbness Edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD
Dear Di Masyadong Malinaw na Pasyente,
Natuwa ako nung nagendorse yung nurse ko kasi parang ito yung araw na sawang sawa na ako sa Ubo at Sipon at Pagtatae at Pagsusuka. Interesting ito. Numbness of both cheeks!(hopefully di butt cheeks ang sabi ko sa sarili ko). Kung ano ano na ang naiisip ko na gagawin. Nagiisip ako kung sensitive ka pa kaya sa light touch or heat or kung anong nerve ang naapektuhan sa iyo. Excited na akong magneuro exam!
Kaya laking disappointment nung unang tanong ko pa lang eh. Ano po ang nararamdaman niyo? Ang expected kung sagot eh , "Wala po doc." Instead ang sagot mo sa akin eh , "Parang yung cheeks ko po doc eh Nagkacrumple papuntang gitna ng ilong ko."
"Crumpling?" Eh di naman pala numb. May nararamdaman ka. Nung nasabi ko sa iyo ito nagiba ka na ng complaint. Kesyo nagpapalpitate ka at nahihirapang huminga. Kaya pinakabit ko sa iyo ang aming trusty pulse ox at pinakinggan ko ang iyong baga. Mas kalmado ka pa sa akin. At ang O2 sat mo eh puwede pang tumakbo takbo sa kung saan.
Buti naman at ok ka pero sayang ang mga balak kong exams sa iyo.Pwe.
Disappointed,
Doc June
No comments:
Post a Comment