Friday, March 23, 2018

"Doc In , Doc Out: Sulat para kay Mr. Torotot edition"


"Doc In , Doc Out: Sulat para kay Mr. Torotot edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD


Dear Mr. Torotot,

Ipagpaumanhin niyo po ang sulat na ito. At nung nagkita tayo ay natanong ko kung yan po ang tunay niyong apelyido(na alam ko naman kasi di mo naman isusulat yung apelyido ng iba). Naaliw ako nung nabasa ko kasi malikot ang pagiisip ko.

Naiisip ko po kasi na kung yan ang apelyido ninyo tapos sobrang seryoso ng trabaho niyo tapos tinawag kayo. Captain Torotot!(parang super hero). Judge Torotot. Atty. Torotot or Dr. Torotot( Parang pang kalaban ng superhero ang dating.)
Pagpasensiyahan niyo na po ako kasi wala akong tulog habang sinsulat ko ito. Naimagine ko kung naging Doctor talaga kayo tapos ipapage kayo:

"Paging Doctor Torotot , Paging Doctor Torotot , please proceed  to the ER."

Ok Ok. Isa na lang. Kapag nasa LTO po ba kayo eh naaliw yung mga kasama niyo kapag pinapatawag kayo sa susunod na window?
"Mr. Torotot punta po kayo sa Window 7."

Pero seryoso po ako. Ang wish ko po ay di kayo matulad sa ibang mga OFW natin na puspusang nagtatrabaho sa ibang bansa habang ang mga asawa nila ay naiiwan na malungkot dito sa Pilipinas.

Opo Mr. Torotot. Naway di po kayo Matorotot habang kayo ay masigasig na nagtatatrabaho. Naiisip ko na ang headline kasi kung mangyari yun. "Mr. Torotot , natorotot ng Misis , pinatay ng torotot ang kalaguyo."

Huli na talaga ito Sir. I wish you well.

Doc June

No comments:

Post a Comment