Monday, January 8, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal letter to Patients:The Flu in Fluimucil Edition"



"Doc In , Doc Out Espesyal letter to Patients:The Flu in Fluimucil Edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD


Dear Hindi masyadong minamahal na mga pasyente,

Hindi po porke't may flu sa Fluimucil ay magkakaroon kayo ng flu after niyo itong tinake. Naririnig ko pa ang boses mo na parang may conspiracy , "Pero doc after ko lang uminom ng Fluimucil ako nagkasakit ng flu , before that eh hindi naman."

Hindi po kaya ang nangyari ay nahawa kayo sa isang tao na may flu sa inyong Floor kaya kayo nagkaflu at nagkataon lang na uminom kayo ng Fluimucil the previous night?

So for the record po. Di po kayo puwedeng magkaroon ng Flu kapag nagtake kayo ng Fluimucil. Utang na loob po wag niyo na pong ulitin ha? Kinig po tayo dun sa explanation ng Doctor.

Di masyadong nagmamahal ulit.

Doc June

No comments:

Post a Comment