Friday, January 12, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal letter to patients: Naiwan ang salamin edition"



"Doc In , Doc Out Espesyal letter to patients: Naiwan ang salamin edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear di masyadong minamahal na patient,

Maraming salamat sa pagpunta mo sa clinic para sabihin na ikaw ay nahihilo at nagsusuka dahil ang suot mo na salamin ay luma na at mas mababa ang grado sa kinasanayang mong salamin.

Nang tinanong kita kung nasaan ang tama mong salamin ay sinabi mo na nasa bahay at galing ka ng probinsiya at dumiretso ng trabaho kaya di mo na nakuha ang salamin na araw araw mong sinusuot. 

Ok na sana eh. Maniniwala na sana ako eh. Kaso lang hindi ako naniwala eh. Kasi kung nakabiyahe ka papuntang probinsya ng wala yung salamin na yun eh 2 lang ang ibig sabihin. 1) Dapat gumagapang ka na sa hilo papuntang trabaho or 2) di mo talaga need yung salamin at may audition ka na ginagawa.

Ayaw ko patulan kasi baka kumalat ang bagong technique mo at dagsain ako ng 100 tao na nawalan ng salamin.Di kita puwedeng ivoice rest kasi may voice ka naman. Di ka naman makapagdocument kasi malamang di mo nakikita yung tinatype mo. So anong gagawin natin?

Di rin sure,

Doc June

No comments:

Post a Comment