Friday, December 1, 2017

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:Exotic Sakit Edition"



"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:Exotic Sakit Edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Patients,

Mga di masyadong minamahal , gusto ko lang pong liwanagin na ang mga sumusunod na salita ay di mo makikita sa mga medical text book at di mo ginagamit sa pagsabi sa akin na dapat kung idiagnose sa iyong sakit:

#Napasma
#Nabinat
#Nausog
#Nanuno
#Nabati
#Nilalagnat sa loob
#Nilalagnat laki
#Naduwende
#Namatanda
#Namamahay
#Nadaanan ng masamang hangin


Ngayon isipin mong mabuti kung ako ang magsusulat ng mga ito bilang findings o final diagnosis ng sakit mo , pustahan di ka matutuwa kaya pakiusap po ng maayos sa inyo wag po ito ang sabihin niyong dahilan kung kayo ang nagaabsent o nalelate ng pasok.Uulitin ko po na sila po ay di sakit at di pinapangalingan ng sakit ng tao.

Ok.Sige.Balik trabaho na ulit. Nauusog ako sa mga sinasabi mo sa akin eh. Lawayan kita diyan.

Di masyadong nagmamahal,
Doc June

No comments:

Post a Comment