Thursday, November 9, 2017

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients "Di ko po alam ang gamot ko" edition"



"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients "Di ko po alam ang gamot ko" edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Minamahal na patient,

Gusto ko pong sabihin na importante na alam natin kung ano ang mga gamot na ating iniinom. 

Kapag sinabi niyo po na meron kayong maintenance na gamot at iisa lang naman po siya siguro naman na medyo nageexpect kami na alam niyo po ang inyong iniinom na gamot.

Sasabihin niyo po na araw araw niyong iniinom at araw araw po ninyong dala pero pagtinanong ko kung ano po ang gamot ninyo ay di niyo alam? 2 taon niyo na pong sinasabi na iniinom ninyo pero di niyo po alam? Hmmmmmm. Maniniwala po ba ako?

Feeling ko hindi. 

Importante po na malaman namin ang mga gamot ninyo para A) alam namin ang ibibigay naming gamot dahil may mga gamot na di puwedeng magsabay sabay. Para po matulungan namin kayo ay tulungan din po natin ang ating mga sarili.

Di po puwede ang di ko alam. Isang gamot lang po yan. Paano pa po kung isang dosena na?

Di masyadong Nagmamahal,


Doc June

No comments:

Post a Comment