Thursday, November 9, 2017

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients - Wag na po tayong humabol ha edition"


"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients  - Wag na po tayong humabol ha edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD


Dear Patients , 

In the spirit of the Halloween season ang gusto ko lang sabihin ay magbago na kayo para di na kayo humabol sa araw ng mga patay. Yup. I actually care for you.

Ito po ang mga tips para wag po nating makasalamuha kaagad ang ating mga yumaong mahal sa buhay.

1) Mag ingat po sa pagmamaneho o pagtawid sa kalsada. Minsan sa pagmamadali mong wag malate o umuwi ay nadadale ka ng isang sasakyan na nagmamadali din para di malate or uwing uwi na. Look before crossing.

2) Inumin na nating ang ating mga maintenance na gamot. Aminin na natin na tayo ay may sakit o nagkakaedad na at kailangan na talaga ng mga gamot na ito para makita pa natin ang kinabukasan. Kahit na sabihin mo na malayo pa ang mga komplikasyon ng mga sakit mo maiisip mo na pag dumating na yung mga komplikasyon na yun eh sana binatukan mo yung batang sarili mo na uminom ng gamot kaso di mo na magagawa. Walang time space warp pabalik sa nakaraan.

3) Kung may sakit ay may sakit at wag nang pilitin pang pumasok. Di ako naniniwala sa binat. Naniniwala ako sa paglala ng mga sakit na dapat ay pinahinga na lang pero tumindi kasi gusto mong makaambag sa ekonomiya. Tandaan ang mga patay ay di na umaambag sa ekonomiya. Wag ka na munang magpamember sa kanila ok?

Oh ayan. Hanggang dito na lang kasi naghahanda na akong umuwi. Promise I will look both ways before crossing. Siyempre kailangan mo ako next time. 

Nagmamahal ng tunay,

Doc June

No comments:

Post a Comment