Monday, October 16, 2017

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:Pahingi po ng tulog edition"


"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:Pahingi po ng tulog edition"
by:
Virgilio F.De leon Jr.MD

Mga mahal naming Pasyente,

Magandang umaga!

Kung kayo po ay pupunta sa clinic dahil kayo ay inaantok ay wag na po kayong pumunta. Ito po ang sasabihin ko sa inyo , lahat po tayo ay napapagod at inaantok sa night shift. Kahit po ang mga pang gabi na Doctor at Nurse ay kulang din sa tulog pero tulad niyo kami ay pumapasok din para sa ekonomiya.

Kung ikaw ay napapagod sa mga personal mong inaasikaso nung may araw pa wag po nating ipasalo sa clinic ang ating pagod. Stimulant of choice po ang ating sagot dahil tayo po ay dapat papasok ng gising. Kung may mga aasikasuhin po ay mas maganda po na planuhing mabuti para di makaantala sa trabaho.

Kung may mga activity sa school ang mga bata o magpapakita sa DFA or magaayos ng mga papeles ay mas magandang magleave na lang. Sigurado naman na di emergency ang mga pangyayaring ito at may matagal nang abiso sa atin. Kung di talaga maiiwasan ay wag na talagang pumasok at magpahinga. Ang antok po ay di sakit. Kape po ang kasagutan. Tulog ang kasagutan. Sa pantry at sleeping quarters po matatagpuan yan. Hayaan niyo pong ang mga may sakit ang pumunta sa clinic. Wala pa kayo nun unless African sleeping sickness yan at kung ganun nga ang susunod ko na tanong kung nakakapunta ka ng Africa bakit nagtatrabaho ka pa dito ngayon?

Kaya mga minamahal na mga pasyente. Itulog niyo na lang po yan sa inyong mga higaan. 

Umaasang Masarap ang tulog mo,

Doc June

No comments:

Post a Comment