Monday, October 16, 2017

"Nakaligtaan"


"Nakaligtaan"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Wala ka na naman
sa birthday , pabinyag at debut
ikakasal na lang ba
ililibing na lang ba
Wala ka pa din ba?

II
Umaasa na darating.
Pero wala pa rin.
Naospital at lumabas na
Di mo man lang napansin.

III
Ang oras mo ay lumilipad
sa pagitan ng mga trabaho.
Sa tulog nauukol
di nasasagot ang tawag sa cellphone

IV
Hanggang nawala na ang tumatawag
At naubusan na ng birthday
kasal , debut at libing
Wala nang graduation , despidida
napuno na , napuna na
kahit nagaabang
sa cellphone wala nang tatawag.

TM Kalaw , 10/07/2017 9:33am

No comments:

Post a Comment