Friday, October 14, 2016

"Urine Sample: Feeling ko may misunderstanding"


"Urine Sample: Feeling ko may misunderstanding"
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD

So this was relayed to me by our duty nurse na itatago natin sa pangalang Fresh (Di tunay na pangalan).

A patient came in to the company clinic and opened her backpack and handed the nurse a collection bottle filled with her own urine.

Patient: Sabi po kasi ni doc bumalik daw ako pag may ihi na.
Nurse Fresh:Ah. Di po ba sabi ni doc eh bumalik kapag may results na yung sa ihi?
Patient: (Silence) Sorry po di ko po kasi alam. Ano na lang po gagawin ko dito?(Points at collection bottle).

Sayang di ko naabutan. Dami ko sana ideas na di ko din naman sasabihin so dito na lang.

...tikman po natin kung matamis para malaman natin kung prediabetic na kayo.
...iwan niyo na lang po kasi nagkocollect kami ng ganyan.
...itapon po natin sa gilid ng balcony sa mataas na floor tapos tingnan natin kung gaano karaming tao ang tatamaan.
...may ref po tayo dun sa likod.
...midstream catch po ba ito? ayaw nung mga collectors namin ng di midstream catch eh.

Buti na lang ang sabi ni Nurse Fresh na magcollect na lang ulit at dalhin sa malapit na lab at next time yung results na lang ang ibalik. Nagpapasalamat din si Nurse Fresh kasi nakamask siya at di nakikita ng patient ang ngiti niya sa ilalim ng mask na yun.

Ang sabi ko na lang eh magpasalamat tayo na di yan for AFB smear or Fecalysis. Imagine mo kung yung mga sample na yun ang dala niya. Needless to say the duty nurse is now very wary of patients coming in opening their knapsacks in front of her table.

2 comments: