Thursday, September 29, 2016

"Mga Local Magic Movie titles"



"Mga Local Magic Movie titles"
by:
Virgilio F. De leon Jr.


Kung makakagawa tayo ng local na movies tungkol sa Magic:The Gathering ano kaya ang mga kuwento at titulo na magagawa natin? At dahil di ako makatulog naisipan kung gumawa ng mga konsepto tungkol dito.

1) Punit - Ang kuwento ng isang player na nadisqualify dahil nakitang punit ang isang niyang sleeve.

2) Bakit ang labo mo? - Kuwento nang nagdeal sa internet pero nung magkikita na eh kung ano anong dahilan ang sinabi kaya di natuloy ang deal.

3) Smacker no Smacking - Tungkol sa karanasan ng isang magikero na nasmack sa unang pagkakataon at ang efforts niya na intindihan ang nangyari.

4) Ihuhuli kita. - Isip ng EDH player habang inaatake ng mga creatures ng paborito niyang kalaban.

5) Manood ka. - Isang boring na movie kung saan ang isang combo player eh nag tap at untap ng lupa para sa infinite mana at sa big finish na hinikaban lang ng mga kasama niya.

6) Di mo ako natalo , Nagconcede ako. - Naglaro. Naatake. Nagconcede bago damage dealing.

7) Mistrigger - Base sa isang tunay na kuwento kung saan di nakapasok ng 2nd round dahil natalo dahil nag miss ng trigger.

8) Kinamayan mo kasi ako - Base sa tunay na pangyayari kung saan di nagkaintindihan ang dalawang player sa outcome ng isang laro.

9) Bula , Bula - Isang araw sa buhay ng Infect player na nagpapabula ng bibig ng kalaban sa daming ng poison counters na tumatama.

10) Dumamage ka pero kulang - Pighati ng isang manlalaro nung nalaman niya na dapat panalo siya sa isang round at sa standings kung binilang lang niya ng mabuti ang tumamang damage sa kanya.

11) Judge! Judge! - Isang araw sa buhay ng isang Magic Judge. Pang Docu!

No comments:

Post a Comment