Thursday, September 29, 2016

"Mga kasabihan ng Modernong Magikero"

"Basa..."
"Mga kasabihan ng Modernong Magikero"
by:
Virgilio F. De leon Jr.

Sawa ka na ba sa newsfeed na kung ano na lang ang lumalabas? Ako din. Kaya ito at magbasa ka na lang ng mga makabagong kasabihan na kung saan saan ko lang nakuha sa sulok ng aking isipan.
Palawakin ang ating kaisipan dito sa ating mga bagong kasabihan.

1) "Kung ano ang titan , yun ang broodline."


- Di ba? Di ba?

2) "Ano man ang panahon laging may deckbox na baon."



May kilala kang ganito. Pumunta ng birthday ng kaibigan nauwi sa magic hanggang umaga. Pumunta ng binyag nauwi sa magic hanggang umaga. Pumunta ng lamay...alam mo na.

3) "Siyang sumilip sa Binder tiyak madadali ni Commander."



- Kaya ayaw kong sumisilip sa mga binder. Numinipis lalo ang wallet ko tapos merong Senate inquiry kung saan napunta yung suweldo ko.

4) "Di bale nang walang isang kidney , naset naman ang Masterpiece."

"Dalawa naman daw eh"
- Para One time big time may Kaladesh Masterpiece ka na!

5) "Ang lupang nagkadikit dikit malamang dahil sa lamesang malagkit."


- "Kaya laging punasan ang lamesa para iwas mana drought" - Isang Paalala mula sa Konseho ng mga Magikero. Vote Straight. 

6) "Siyang nagnasa ng booster , nauuwi sa case."



- Isa na lang sure na may Exped ito...Isa pa...Ito last na talaga...

7) "Ang siyang di tumingin sa pinanggalingan...naiiwan ang binder."

"Ang binder ko....Ang binder ko..."
- Siguraduhin kumpleto ang mga dala dala kung uuwi na.

8) "Wag magtiwala sa mga regalo ng Phyrexia."

"Hot oil po sir? Libre na gupit."
- Lalo na kung hot oil ang gustong iregalo sa iyo.

9)"Aanhin pa ang dugo kung kulang ang fetchland mo?"



- Dugo napapalitan , Fetchlands kaunti lang yan.

10) "Ang magikerong sa piyesa nagigipit , sa Smacker kumakapit"

"Parang may mali."
- Kung may oras kang maghanap ng piyesa ok lang pero kung kailangan na kailangan mo na... Ito ang quote ng isa sa mga paborito kong card ngayon.

"Ang Presyo ay di na matatawaran nguni't alam mong ito ay patas." - Taga Traffic ng Sindikato


May mga sitwasyon ka na bang naisip na magagamit mo ang mga kasabihan na ito? May kilala ka bang mga ganito? Ako meron.

Maraming salamat sa suporta , pagbasa at pagshare. Gawin nating masaya ang ating mga communidad! Magandang Araw! 

No comments:

Post a Comment