Tuesday, September 23, 2014

"Ang Naligaw"


"Ang Naligaw"
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD

I
Umaalingaw-ngaw ang mga halakhak
sa silid na walang katapusan
at sa kaguluhang ito may isang kakatwa,
Isang tinig na lumuluha...

II
At sa malayo , pigurang may hawak ng nakakasilaw na liwanag
sa kalagitnaan ng karagatan ng napakalalim na mga bitag
Di mawari ang mukha ng may hawak ng sulo
nalulunod ng galaw ng di natatapos na gulo

III
At siya ay tumawag sa kung saan
Walang nakinig at nagpatuloy sa daan
Daan ng mga peligro
Daan ng mga diablo
Kung saan paulit ulit na naloko
Nadurog at Naisukang Isipin at Puso

IV
Nagsalisalisi ang mga landasin
Tuluyan nang naligaw sa tatahakin
Umikot at umikot hanggang bumalik sa simula 
Ikaw ang tinig na lumuluha...


No comments:

Post a Comment