Monday, December 2, 2013

"Alam mong adik ka na sa magic...2"



"Alam mong adik ka na sa magic....2"
by:
Virgilio F. De leon Jr. 

Matagal tagal ko na ring nasulat ang part 1 nito at katulad nga ng inaasahan ko eh marami pa ang di naisama sa orihinal na senyales na adik ka na sa magic. Kamakailan lang eh narepost ko ito at may isa akong Magic Player na nagdagdag ng ilan pang senyales...sa dami ng mga ito eh puwede na siyang maging libro...

Ito ang iba pang senyales na adik ka na talaga sa magic...

"Nabasa mo agad?...Adik ka na nga....
#26 - Marunong ka magbasa ng pa-BALIGTAD!

adik ka na nga....

#27 - Pag naka-rinig/naka-basa ka ng salitang "Keso" or "cheese" sa mga advertisements, ang una mong naiisip ay "lightning bolt".

adik ka na nga....

#28 -  Natutuwa ka sa slogan ng "Magic flakes crackers" kasi "apat dapat".

adik ka na nga....

#29 - Mas kabisado mo pa DCI number mo kesa cellphone number mo.

adik ka na nga....

# 30  - Lagi kang may dalang bag para lagyan ng mga deck mo...

adik ka na nga....

# 31  - Mas aware ka sa mga tournament dates and events kesa sa mga nangyayari sa bansa...

"Sino si Napoles? Ano yung PDAF?"
adik ka na nga....


# 32 - Pag kumakain or umiinom ka sa labas, lagi mo kino-consider yung quality ng lamesa if ever gusto mo mag playtest...

adik ka na nga....

#33 - Tuwing nanonood ka ng Duck Dynasty at nakikita mo si Jase...Parang nagrerebelde ang utak mo...walang balbas si Jace...walang balbas si Jace...

#34 - Nung makita mo ang Cosplay ni Akroma ang unang mong napansin eh nakaboy shorts siya...magagalit si Ixidor niyan!

adik ka na nga....

#35 - Minsan mo nang naisip kung ano ang feeling kung "Ma-Veil Curse ka"...

adik ka na nga....



#36 - Napapansin mo na parang bumigat ang bag mo kasi minimum na apat na deck ang dala mo kapag umaalis ka...Standard Pauper . Modern , Standard , Legacy or EDH...mahirap di makalaro...

adik ka na nga....

#37 - Lagi kang may dalang wet ones o tissue kasi alam mo na ang mga lamesa ay di lahat malinis...

adik ka na nga....

#38 - Kapag may nakilala ka na dating naglalaro ng Magic ang una mong tanong...Natago mo pa ba yung old cards mo?

adik ka na nga....

#39 - Naranasan mo nang manalo ng 2-0 sa isang Standard Round nang pagkabilis bilis tapos nainip ka eh nag EDH game ka pa in between rounds...

adik ka na nga....

#40 - Madalas kang natatanong kung para saan yung mga piyesa na binibili mo....ang laging sagot mo lang eh...Wala lang baka need ko lang later...

#41 - Minsan kapag napepressure ka sa School , Trabaho o Relasyon eh sa Magic mo dinadaan...Ramdam ng mga kalaban mo tuloy...

#42 - Madalas kang masabihan ng "Powered"...

# 43 -Kapag nagbibigay ka ng direksiyon papunta sa isang lugar eh base sa alam mong card shop...Bale kanan ka sa Ongke tapos diretso na yun...Naalala mo yung Mindstorm? Quezon Ave. na yun...Yung Fatima Hospital? Lampas lang ng kaunti sa Spiral yun...

Marami pong salamat sa inyong walang sawang pagbabasa... kung nakita mo ang sarili mo dito eh adik ka na nga...kung hindi pa...wag kang magalala papunta ka din dun.


____________________________________

Thank you kay Captain Jack Rivera para sa #26 to #32...


No comments:

Post a Comment