by:
Virgilio F. De leon Jr.
Bilang isang magikero na naging aktibo nung panahong 2003. Kakalabas pa lang ng Scourge at ako ay nawili sa kakabili ng mga cards ng kaliwa't kanan. Sa aking pamimili (Aka Hoarding) sa halos isang dekada marami akong mga nakilalang mga personalidad na di ko babangitin sa blog na ito.
Ang mga taong ito ay tinatawag na smacker ng karamihan , negosyante ng mga nakakaintindi.
Sa halos isang dekada marami akong naintindihan at natutunan sa kanilang mga gawi. Ito ay isang maliit na expose. Katawa tawa ang iba sa mga smacker tips na ito ngunit ang mga nakasaad dito ay pamamaraan na ginamit na at patuloy na ginagamit sa kalakaran ng pagbebenta ng Magic.
Di man aminin at di man sabihin ngunit ang mga obserbasyong ito ay pawang katotohanan lamang. Ito ang mga smacker tips. Kung kilala mo ang mga taong nandito wag mo silang pangalanan...isa silang importanteng parte ng ating aktibong paglalaro ng magic , kung wala sila eh mauubusan ka ng piyesa kung kailangan na kailangan mo. Tumawa ka na lang at mag-isip. Matutunan ang kanilang mga gawi at maaaring bukas ikaw na din ang maging tunay na smacker.
#1 - Laging magipit ng pera sa wallet...di mo alam kung kailan ka makakabili ng 200 na Snapcaster...
#2 - Wag magbigay ng presyo...Hayaang ang biktima...este Seller ang maghukay ng sariling hukay...este magbigay ng presyo...
#3 - Ipackage mo! Kung ayaw nila ng 100 apat na piraso ibenta mo na lang ng 25 isa...makakamura sila sa set...
"Ang magic cards dapat set lalo na at kailangan sa strategy mo...pag kulang sa apat parang off eh..." |
#4 - Habang tumitingin ng binder wag magpapakita ng interes...ang kinang ng mata ang nagbibigay ng presyo...kamatayan ng deal ang magpakita ng interes...
#5 - Kapag may nagbigay ng presyo ng sobrang baba sa talagang presyo...magkunwaring nagdadalawang isip at magbuntong hininga habang naglalabas ng pera na kunyari eh parang ikaw ang nasmack...
"Ang mahal naman ng Emrakul mo na foil sir...150?...sige kunin ko na..." |
#6 -kapag may tumitigin ng binder at di niya kaagad kinuha ang isang card...ituro mo ito at tanungin kong magkano...ang pagturo ay parang pagreserba na din...kupal lang ng kaunti pero reserba pa din...wag pansinin ang masamang tingin ng taong tumitingin pa sa binder...
"Nafinger sa binder?....Reserved!!!" |
#7 - May pera sa piso piso...Ang pisong Gray Merchant of Asphodel ngayon , 20 na bukas...50 sa makalawa...
#8 - Wag makikipagdeal sa mga taong may hawak na pricelist...Gayun din pumili ng lugar na walang wifi para di makita ang bagong presyo ng mga cards na hawak sa cellphone o ipad.
# 9 - Laging tumawad...kung 350 ang benta ibaba sa 200...kung pumayag ay ok..kung hindi taasan ng kaunti ang offer...pag ayaw pa din...may mga iba pang mabibilhan...
# 10 - Maging pasensiyoso...maaaring parang puro basura ang nabiling card pero pag tumaas eh magiging ginto din ang mga ito...Ang Nightveil Specter na 50 ngayon ay 250 na sa susunod na linggo.
Marami pang mga smacker tips...kung ikaw ay madale ng mga wala dito...tumawa ka na lang...parte yan ng paglalaro ng paborito nating card game.
__________________________________________________
Disclaimer: Ang mga kaalamang nakasaad dito ay mga nakalap lang ng may akda--- di niya ginagawa ang mga bagay na ito...yun lang...Promise!
__________________________________________________
Disclaimer: Ang mga kaalamang nakasaad dito ay mga nakalap lang ng may akda--- di niya ginagawa ang mga bagay na ito...yun lang...Promise!
Hala! Pano kami ni Liz?! May price list kami! LOL
ReplyDeletehehehehehehehe....fair naman prices niyo...they would see that hehehehe....
DeleteAhaha. Pareho tayo ng comment. Concerned ako sa pricelist natin. :P
ReplyDeletehehehehehehehe fair naman pricelist niyo...pero kasi yung iba di marunong tumawad or kung tumawad man eh sagad sagad talaga...
ReplyDelete