Saturday, November 30, 2013

"Mga Tipo ng Magikero sa isang Community"


"Mga Tipo ng Magikero sa isang Community"
by:
Virgilio F. De leon Jr.

Ang isang community ay nabubuo ng mga manlalaro sa isang lugar. Di na importante ang estado sa buhay . kasarian o edad ang mahalaga eh masayang nakakapaglaro. Nguni't sa isang komunidad eh marami ding personalidad. Ito ang ilan sa mga tao sa ating Magic Neighborhood.Minsan ang isang tao eh halo ng isa ,dalawa o tatlo sa mga personalidad.

1) Spoiler - May nakalaban ka na nagpepredict ng move mo bago ka pa tumira? Parang Omenspeaker sa galing! Na Scry na niya ang buong hand mo ng walang Thought seize. Spoilers ang tawag sa kanila kasi lahat na preview na nila...Uy Counter na yan...Devour flesh na sir?...May Supreme Verdict ka na ano?

2) Lulubog Lilitaw - Islaw Palitaw...parte na sa magic ang consistent na phase in at phase out , minsan financial ang dahilan , minsan oras , bagong asawa , anak o trabaho. Ganun lang talaga. Ang buhay malaking sagabal sa pagmamagic.



3) Judge - Parang Coach Jawo din . yung player na tipong may kalaban eh nanonood ng laban mo at biglang magjajudge call...Di puwede yung combo na yan kasi...Kitam? Judge!!!


4) Brewer - Combo ba ang kailangan mo? Pang Pauper , Standard , EDH , Modern o Legacy? Mas maraming brewer mas masaya ang community...kailangan matulungan ang mga nagsisimula...

5) Supplier - Sa isang grupo may isang nilalang na napakaraming contact...Mabilis pa sa alas kuwatro na makakakuha ng kailangan mong piyesa...Siya ang mahilig tumingin sa mga FB groups tulad MTG Tambayan para sa mga latest na deals o di kaya eh mabilis na kumausap ng tao para makagamit ka ng Ashiok tuwing tournament kasi di mo pa kayang bumili. 

6) Neophyte/ Rookie - Ang kinabukasan ng ating laro...laging natuturuan...laging kasama at laging enthusiastic dahil ang daming gustong malaman...

7) Resident Tatang - Lahat ng community may at least is na ganito...kailangan igalang at kailangan din kalaruin ng maayos...wag lang mang Mama moves...

8) Emo - Emosyonal talaga...nambabaliktad ng lamesa kapag natatalo? Di nakikipagkamay at tatayo na lang? Di na nagsasalita kahit tapos na ang laban? Emo...


9) Drunken Master - Lalo na sa community na nilalaruan ko may isa talagang player na gumagaling pag nakakainom...yung tipong unstoppable kapag nakainom na...yung tipong susukahan ka sa tuwa pag tapos na yung laban...

10) Volition Reins - Dahil marami sa ating mga magikero ang tunay na guwapo at macho. Marami sa atin ang may mga asawa at magagandang girl friend. 
Marami din sa atin ang madalas di nakakapaglaro dahil sa Volition Reins. Ang kamay na bakal at matinding Eye of Sauron look na nakakamatay , yan ang ating mga kabiyak...pare na Volitions Reins na na naman si...

At yan ang mga magikero in your neighborhood.Alin ka sa mga taong ito? Kung may mga di pa ako nasama malamang di ko pa sila nakikilala.Mag iwan ng mensahe kung sino ang mga di pa nasama and as usual keep on playing!

4 comments:

  1. Eh anong tawag sa mga taong itetechnical ka. Ung bang porke't sinulat kagad ung damage taken sa papel eh di na pwede magscry ung Prognostic Sphinx? Eh ginawa naman nung player na magscry at di nalimutan. Tapos hiniritan pa ng "GP to e".

    ReplyDelete
  2. uy maganda yan ah...Techies...hahahahaha...pero kainis kalaro lalo na at parang di mapaliwanagan at times...

    ReplyDelete
  3. Lakas Kapit - down to one na, nananalo pa rin. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehehehehe totoo may mga ganyan talaga...yung tipong naghahanap na lang ng isang burn spell yung kalaban eh nadurog pa niya...

      Delete