"Ang Hawla ni Dr. Hunyango"
by:
Virgilio F. De leon Jr.
I
Gusto ni Mama
Gusto ni Papa
Doctor si Ate
Doctor si Kuya
II
Mahabang tradisyon
Mahabang prosisyon
Mga doctor na maibilidad
Ako pa lang ang babaliktad
III
Gusto ni Mama
Gusto ni Papa
Gamit ang OTP ni Ate
Gamit ang libro ni Kuya
IV
Nakakatawa na habang nagtutuli
Iba ang iniisip ko
Yung bang mga bagay na gagawin ko
Kung di ako doctor
V
Pumapasa naman sa lahat ng block
Genes daw ng doctor kaya daw predisposed!
Aba ewan parang cancer na bumangon
Mga thoughts na dapat di maexpose
VI
Gusto ni Mama
Gusto ni Papa
Pero ayaw ko
Ayaw ko
VII
Umiiyak na lang sa pagtulog
Para bang nakakulong
Nakakulong sa compromiso
Ng pagmamahal para magpatuloy
VIII
Sorry Mama
Sorry Papa
Di po ito ang calling ko
_______________________________________________
Writers Note: In 2002 I started writing a musical entitled Eksena Medisina about Medical school life. One common thread among Medical students is that there are a lot who were forced by tradition to take up medicine. This was a scene about those Doctors who struggled so badly but trudged on because they did not want to disappoint their parents. The Musical was never finished but the words remained.
No comments:
Post a Comment