"Ang Huling Eksena ni Mang Kulas"
by:
Virgilio F. De leon Jr.
I
Sa ward ko nakilala si Mang Kulas
Maitim ang labi sa kakayosi ng madalas
Nahihirapan nang huminga
Sabi ni doc di na kaya ng baga niya
II
Sabi ko sana di niyo na lang ginawa
Sabi ko masama yun sa baga
At pinalapit ako ni Mang Kulas sa higaan
May sinabi siya sa akin ng biglaan
III
Sabi ni Mang kulas
Di daw siya nagsisisi
Ang tanong ko ay bakit?
Masarap daw kasing magyosi
IV
Tumawa na lang ako
Kahit alam ko ang totoo
Tumutulo ang pawis sa kanyang noo
Pinunasan na lang ng anak na naroon
V
Ang mga anak talaga
Kahit ano pa ang mga magulang nila
Sila ay mga anak pa rin
At magulang pa rin sila
VI
Tuloy ako sa kakatanong
Pero si Mang kulas parang pagong
Nauuna pa ang pagbuka ng bibig
Doon sa mga gusto niyang masabi
VII
Sabi niya ay nauna ang kanyang asawa
Namatay sa kanser ng baga at sikmura
Doon ko napansin ang kanyang mga mata na dilaw
Puno ng lungkot at puno ng panglaw
VIII
May gusto sana akong sabihin pero nauna ang matanda
Tinanong ko kung ano ang nakakatawa
Sabi niya kung mamamatay na daw siya mamaya
Sa wakas e mahahalikan na rin niya ang kanyang asawa
IX
Natapos ako sa kakatanong
Sabi ko ay magpagaling siya
Ngayon lang ngumiti si Mang Kulas
Para ipakita ang dilaw na ipin , sanhi ng nicotina
X
Tapos na ang boksing para sa akin
Anak , alam ko na ang mangyayari
Kaya kong puwede lang
Puwede mo ba akong bigyan ng yosi?
XI
Gusto kong batukan ang matanda
Pero di ko nagawa
Ngumiti na lang ako sa anak niya
Sige Mang kulas….hanggang sa huling pagkikita
____________________________________________________
Writers Note: In 2002 I started writing a musical called Eksena Medisina. The script was never finished. The words however are still here.This was originally a scene called History Taking.
No comments:
Post a Comment