"Nakakakamot lang ng ulo talaga."
ni:
Hunyo De leon MD
Minsan mapapakamot ka na lang ng ulo dahil sa mga desisyon na ginagawa ng mga nakakataas sa iyo?
May di ba ako naintindihan? May mga di ba ako nakikita? Parang di tama , ako lang ba ang nakakaisip ng mga bagay na ito?
2000-3000 cases per day? Baba pa yan. Pataasin natin!
Solution: "Gawing Voluntary ang Mask wearing."
Considered tayong low risk? Di katanggap tanggap. Kailangan ma-elevate ang status.
Solution: "Gawing Voluntary ang Mask wearing."
Marami pang buhay na mga matatanda at taong may Comorbidities? Tuluyan na natin silang lahat.
Solution: "Gawing Voluntary ang Mask wearing."
Isabay natin sa Ber months kung saan marami talaga ang nagkakasipon at ubo. Isabay natin dun sa napipintong Face to face classes ng mga bata. At tiyaka bawasan natin yung budget ng DOH para Covid19 response , ang saya saya na di na naman maayos ang response natin kung tumaas na naman ang namamatay sa sakit na ito.
Maghihintay na lang tayo ng bagong mutation na lalabas. Madami na ang nagsabi na kailangan na ng booster pero sadyang wala nang nakikinig. Mga tao man sa taas o mga tao sa baba. Pare pareho na lang na wala nang pakialam.
No comments:
Post a Comment