"Ang Importansya ng Paggabay ng magulang sa panahon ng kalituhan"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD
May nagsulat sa Social Media nung isang araw: "Considered po ba na abuse yun kung nasabihan ang isang estudyante na walang maisagot na "Babalikan kita" na naging dahilan kung bakit ayaw na nitong pumasok sa klase."
Sumakit ang ulo ko sa mga ganito talaga. Abuse? Abuso? Eh napakabait nga nung teacher ng batang ito. Babalikan kita. Pinagbigyan ng chance na mahanap ang sagot , lalo na kung online class pa ito. Madalas na sinasabi ng mga matatanda na madali na lang makahanap ng sagot ngayon dahil sa google. Maano man lang ba kung nag google search itong bata ng mga ilang segundo di ba? Maliban lang kung Math at nagtatanong ng specific na method or solution , dito lang medyo talo si google.
Pero naabuso? Ayaw nang pumasok? Dito ngayon papasok ang guidance ng magulang. Kailangan na maiba ang perspective ng bata tungkol sa nangyari na ito. Kung di mo alam ang sagot ay alamin mo. Matutong humingi ng tulong kung nahihirapan. Sabihin sa teacher kung saan puwedeng hanapin ang sagot o di kaya ay tumingin muna sa sariling libro bago magdesisyon na di na ako papasok dahil inabuso ako ng aking guro?
Di ito pangaabuso ng mga kabataan. Ito ay nagpapakita na dapat na bilang mga magugulang ay magsisilbi pa din tayong gabay sa mga anak natin lalo at nakita nating may problema ito sa eskwela. Di ibig sabihin na sasangayon na lang tayo sa ganito , sige anak , wag ka nang pumasok.
Sa sitwasyong ito maaring nagtatanong din lang ang magulang na ito dahil di din niya alam ang sagot. Pero sana ay naging klaro din sa huli na ang guro ng batang ito ay may maayos na pamamaraan ng pagtuturo.
No comments:
Post a Comment