Monday, May 9, 2022

"Hilom"

"Hilom"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD


I

At kumupas na ang mga kulay

dun sa nalampasang tulay

na dating nagbubuklod sa mga magkakakilala

na pawang ayaw nang magkaisa


II

Sino ang magaabot ng puting Rosas?

O tuluyan pa ding magpapaluan ng tinik?

Iba pa din ba ang isisigaw?

O magkakaisa na sa iisang himig?


III

Mabubuhay na lang ba sa mga anino?

O magiging liwanag para sa sariling dangal?

Na sanay di malimutan naang pagtindig

Ay di nangangahulugan ng maling pagtapak.


IV

Titingnan kita kaibigan di sa iyong kulay

Tayo nang ipagpatuloy ang mistulang natigil na buhay.

Tahakin natin pareho ang daan kung saan

Ang namumuno ng puso ay tayo at tayo lang. 


Quezon City , May 10 , 2022. 12:48am

No comments:

Post a Comment