"Patuloy na pagdaloy"
Ni
Virgilio F. De leon Jr.MD
I
Pilit na tatahimik
Habang nakapulupot sa tinik
Tinatawag na pasensiya
Sinasabing wagas na pag ibig
II
Dudugo at dudugo
Ngunit di naman iimik
Patuloy na panghihina
Malakas lang sa paningin
III
Di naman masabi
Bobo o tanga o pareho
Alam lang na kung saan may dugo
Nakayuko lang ang ulo.
Quezon City. April 1 , 2022. 10:13pm
No comments:
Post a Comment