Tuesday, November 30, 2021

"Doc In , Doc Out: An Open Letter Para sa Nagpapafit to work 2021"


 "Doc In , Doc Out: An Open Letter Para sa Nagpapafit to work 2021"

by:

Virgilio F. De leon Jr.MD


Dear Ate/Kuya na Nagpapa-Fit To Work,


Ang Fit to work process po ay ginagawa BAGO kayo mag log in sa floor. Pinapadaan po kayo sa Clinic , ichecheck kung kumpleto na ang mga papel ninyo at kung kayo ay physical na puwedeng pumasok. Kung ang pasok niyo po ay 9pm at kayo ay dadaan pa sa prosessong ito mangyari po na agahan ninyo ang pasok ng kaunti dahil di lang po kayo ang kadalasan na pipila para dito.


Kung kayo po ay pumasok na at di na dumaan sa Clinic para dito , wag na po kayong dumaan ng 6am kapag kayo ay pauwi na dahil di na po namin kayo mabibigyan nito. Pinagkait niyo na po sa amin ang tsansa na masabing di pa kayo puwedeng pumasok o di kaya ay magpahinga pa. Sana lang po ay di kayo naghasik ng lagim sa floor na siyang makakaaapekto sa inyong buong team.


Di Umaasa na Magbabago kayo,


Doc June

No comments:

Post a Comment