Friday, October 8, 2021

Dear Pasyente na di nagdedeclare ng Symptoms sa Health declaration form ,

 Dear Pasyente na di nagdedeclare ng Symptoms sa Health declaration form , 


Naiintindihan ko na kailangan mong magtrabaho para may mapakain ka sa iyong pamilya. Ang mga Doctor at Nurses ng company clinic at mga kasama mo sa opisina ay nagtatrabaho din para sa kani-kanilang pamilya. 


Kaya ang ginawa mo na inuubo ka na ng isang linggo at ni minsan na di mo nadeklara ito hanggang sa mahuli ka din eh di tama. Buti sana kung magkakasakit ka ay ikaw lang. Parang wala tayo sa Pandemic ah. Business as usual lang ang dating sa iyo.


Dahil sa kagagawan mo maaaring may mga team mate ka pa na madamay. Lalo na kung magkakasama kayong kumakain o ngyoyosi break sa kung saang tagong lugar. Ang pinakamaganda pa eh ikaw na yung may kalokohan na ginawa eh ikaw pa ang parang galit. 


Alisin niyo na sa Core Values ng kumpanya ninyo ang Integrity. Sa tinagal tagal ko bilang Doctor sa inyo madami sa inyo ang wala niyan. Nakikita niyo naman siguro ang dami ng kaso na di pa daw nagpepeak. Gusto mo pa atang masama ang mga team mate mo sa napakalaking statistics na yan.


Kung nababasa mo ito at ganito ka rin pakibago na ang pananaw mo. Matagal pa ito at kahit anong ingat ng iba kung may mga tao na katulad mo eh madadawit pa din kami. Karamihan sa atin ay No Work , No pay.  Oo kasama kami sa No Work . No Pay. 


Hindi ka nakakatuwa. Magbago ka na.


Di Natutuwa(obviously),


Doc Hunyo

No comments:

Post a Comment