"3 bagay na hanggang ngayon eh di ko pa din naiintindihan"
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD
May mga bagay talaga na nakita mo nung iyong kabataan o mga panahon na pakiramdam mo eh kulang pa ang yung pangunawa sa mga bagay bagay sa mundo. Umabot ka na ng katandaan at mataas na antas ng pangunawa nguni't di po ma din maintindihan ang mga bagay na ito. Ito ay 3 sa mga aking naranasan na mga bagay:
1) Dati di ko naiintindihan yung mga tao na nagpapatugtog ng music nila sa siksikang bus or Mrt/Lrt na para bang nasa sala lang sila ng bahay nila. Tapos walang eye contact dun sa mga katabi na halos nagkakapalitan na ng mukha.
2) Dati di ko maintindihan yung mga tao na gagamit ng banyo tapos nakafullblast si Raffy Tulfo habang ginagawa nila ang business nila sa banyo. Gusto siguro nila magshare. Narerelax ba sila sa boses ni Tulfo at kailangan nila marinig yun habang nagbubusiness?
3) Dati din di ko maintindihan kung bakit nakafull volume yung Korean drama na pinapanood nung nasa likod ko habang nakapila kami papasok sa hypermart. Kahit naman ifull volume siya malamang di naman niya naiintindihan yun at magbabasa din lang ng subtitle. Hmmmmmm
Di ba? Naranasan niyo din siguro ang iba dito. Ang masasabi ko lang eh kung di ko sila naintindihan noon....di ko pa din sila maintindihan ngayon. Yun lang.
No comments:
Post a Comment