Monday, November 30, 2020

"Tahimik na Buwan"

"Tahimik na Buwan"

ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD

I

 Tatahimik ba ang gabi?

Pagkatapos ng mahabang paghimlay

Pagkatapos ng mga araw

Na pinangako na babangon at di naman.

II

Mabibitin ba ang bakasyon

at mapuputol sa 4 na araw?

Oh itutuloy na lang

isang kasinungalingan lang ang kailangan.

III

Sasakit nga ba ang ulo

Sa pagsabi na masakit ang ulo

Kaninong ulo ang mas masakit

sa iyo or sa pagaalaman mo?


IV

Tatahimik nga ba ang gabi

O babahain ng mga salitang di tunay?

Tatahimik nga ba?

Oras lang ang makakapagsabi.


Optum Bldg N , UP Ayala Technohub , QC. November 30 , 2020 11:03pm





No comments:

Post a Comment