Tuesday, September 29, 2020

"Bago Mag Abad Santos"


 "Bago Mag Abad Santos"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr.



Si Kuya, Si Kuya

Tagaktak ang pawis habang

Tuloy ang benta ng tubig sa daan.


Nakamask, nakafaceshield

Nakakatuwa na sana tingnan


Inabot ang barya ng nasa kotse

Kapalit ng bote na iinumin

Nagpunas si kuya sa basahang

Mukha namang malinis.


At dali daling inangat ang faceshield

Para punasan ang noo

Parang alam ko na kung saan pupunta

Sana wag naman po


Sabay si Kuya hinila pababa ang basahan

Na nagpatanggal ng mask at pinunas

sa ngayong nakalabas na ilong at bibig.

Paikot ikot ikot ikot ikot ikot ikot at ikot.


At bago pa magpalit ang ilaw

Galing berde sa pula

Binalik na din ang face mask

At ang faceshield ni kuya!!!


Mahirap talaga , mahirap talaga

May nagsabi di naman daw siya tatablan

Sana nga Kuya.Sana nga.

No comments:

Post a Comment