"Ang Pangarap Kong Extra Turns"
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD
Isa sa mga pinakapaboritong kong nagawa habang nagpiplaytest ang makakuha ng mga sunod sunod na tira at itong apat na cards na itong ang magkakasama sa napakasayang pangyayari na ito.
Nasa Battlefield na ang paboritong kong Omniscience at ang Sunbirds Invocation. Mga bigtime na enchantment na kadalasang nagiging hudyat na magscoop na ang mga kalaban ko ng mga cards at next game. Pero dahil magisa lang akong naglalaro wala namang makikipagkamay sa akin para magsabi ng GG sir. Kaya natutuloy lang ang aking mga masasarap na balak.
Kung may iba na ang pangarap ay perfect na holdap , ang gusto ko talaga ay ang sunod sunod na extra turns at ito nga ang nangyari. Minsan ko nang nasabi sa isang mahabang laro ng EDH sa DXC. "Ako lang! Ako lang ang mag eextra turn!!" Sarcastic yun kunyari at naka aim dun sa mahilig bumasag ng trip ng iba. Pero ang totoo gustong gusto ang extra turns. 3 deck ko nga ang may mga ganyang konsepto. At ang mga cards na ito ay nasa aking paboritong Nicol Bolas deck na laging bumubulong sa aking pagiisip.Nakikinig naman ako.
Pagkacast ko ng Beacon of Tomorrows na libre dahil sa Omniscience ay siya namang nagtrigger sa Sunbird's Invocation. Na nagsasabi na titingnan ko ang ibabaw ng aking library base sa converted mana cost ng nacast ko na spell. Sa pagkakataon ito ay 8 mana cost ng Beacon of Tomorrows. Kaya halukay ako ng 8 cards ng Library at ang isang tumambad ay ang Nexus of Fate na kasama si Sarkhan!!!
At yung...2 na magkakasunod na turns sa isang tira lang. Kadalasan concede na ako kapag nagawa ko ito sa tunay na laro. Minsan ang pagkapanalo ay di lamang sa pagdurog na kalaban mo. Minsan sapat na nagawa mo ang mga pangarap mong extra turns.
Sarap Buhay!
No comments:
Post a Comment