Friday, January 31, 2020

"The Drive to Taal"


"The Drive to Taal"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

"Wake up sleepy head."

"mmmm..."

"Malapit na tayo sa hotel. Akala ko ba gusto mong makita yung volcano?"

"mmmmmm...."

"Did I ever tell you that one of the things I like about you is your voice?"

"mmmmmm...."

"Yup. Di pa kita nakikita pero narining ko na yung boses mo nun. Naalala ko palagi yung sinabi mo sa akin."

"Hmmmmmm..."

"Di mo naalala malamang."

"Ang sabi ko nun...paabot nung paminta. Di ko naman alam na bingi ka pala. Ang inabot mo sa akin eh yung patis."

"Haha. Naalala mo pala."

"Siyempre naman.Ano bang nagustuhan mo sa boses ko?"

"Meron kasing mga tao na masakit sa tenga. Pero ikaw. Ewan ko kahit na kung ano ano na siguro ang sinasabi mo sa akin eh wala akong pakialam maganda pa din."

"Kahit na dirty talk?"

"Dirty talk?"

"Basura. Basura. Ahhhh. Basura."

"Umayos ka nga."

"Seryoso naman nito."

"Gutom na ako eh."

"Ako din."

"Alam mo curious ako. Bakit lagi kang nakangiti? Alam mo yun minsan puyat ka. Pagod pero nakangiti ka. Natural. Walang halong kaplastikan tulad nung mga dati kong kakilala. kaya paano ka nakakangiti ng ganyan?"

"Simple lang naman yan. Kung sisimangot ba ako eh matutulungan ko ba yung sarili ko? Di naman di ba? kaya ngigiti na lang ako. Napapansin ko nga kahit nung bata pa ako na at least kapag nakangiti ako mas natutuwa yung mga nakapaligid sa akin."

"Totoo naman yun. Natural na natural ka eh. Kaya maraming gusto ang kasama ka. Parang wala ka pating pili. Cowboy."


"Cowgirl. Di pa ba halata?Kailangan ba mas revealing suot ka para mapansin mo?"

"Di naman kailangan. Alam ko naman. Hahahahha.You know what I mean."

No comments:

Post a Comment