Monday, September 30, 2019

"Sa Kalagitnaan"


"Sa Kalagitnaan"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Dahan dahang babangon ang mga patay na damdamin
At magtatanong sa kadilimin kung bakit
Ito ba ang naiwang mana , naiwang salita
Na dadalhin sa paglipat sa ilaw sa kabila?

II
Ito ba ang sagot sa matagal na paghintay?
Mabibigo pa din ba sa huling pagninilay?
Sasabihin mo pa ba ang mga nais kong marinig?
Kapatawaran sa nakaraang di na maibabalik.

III
Yakapin mo ako kahit di mo sabihin
Dito lang ako at di na uulitin
Hahayaang maglaho ang lahat ng galit
hanggang sa pagibig ,pagibig na lang ang papalit

Optum. Bldg N. Quezon City. September 28 , 2019 6:26am

No comments:

Post a Comment