Friday, September 27, 2019

"Isang apak...Pangalawa."


"Isang apak...Pangalawa."
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Pingako minsan na ako ay babalik
Sa pusong may mga binaong galit
At ngayon ngumiti sa unti unting pagbangon
Ng mga salitang matagal nang natulog

II
Itinaas ang tinig sa mundong madilim
At ang tahimik ngayon ay narinig
Mga bagay na akala'y natapos
ay nakitang muli sa himpapawid.

III
Bumilis ang pintig sa bawat kataga
Ang pusong di mapigilan ang pagtibok
Nabuhay namang muli ang diwa
At sa bawat bagay ay muling humamon.

Optum. Bldg N. Quezon City. September 18 , 2019 3:16am

No comments:

Post a Comment