Friday, March 29, 2019

"Usbong"


"Usbong"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Hinahabol ang hininga sa ilalim ng araw
Tumitingin sa mga bagay na di naman mahahabol
Nagdarasal sa kanya pero wala naman mga tugon
Nakikinig na lang sa hangin at ang kunyaring bulong

II
Di kinakaya ang init at ngayon ay pipikit
Isasauli ang sarili at di lang sa saglit
Panandalian lang dito ang sabi ng iba
Doon na , doon na sa ibayong yun ako pupunta

III
Di na aasa sa mga pangakong dinala ng hangin
Nahawakan lang saglit pero parang buhangin
Naglaho ang sabing aahon sa lahat ng dinaanan
At ngayon lugmok pa din sa pait ng nakaraan

IV
Tumigil ang taas baba ng dibdib dito sa init
nawalan ng buhay at unti unting lumamig
Nagpaalam sa mga di nakikitang tala
Niyakap ng mga taong nakita lang sa ala ala.

UHG QC. Central Ave. QC. March 22 2019. 6:26am

No comments:

Post a Comment