Thursday, February 28, 2019

"Umpisa"


"Umpisa"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Tingnan Tingnan
Unang kasalanan 
Tingnan Tingnan
Tayo na sa Umpisa

II
At Baka di na nangyari ang ganito
Labis na galit sa mga mata mo
Mga salita na di mababawi
Mga daang di na tatahakin

III
Dun sa umpisa
sa mga ngiti mong kay ganda
Ang boses mong naglalambing
sadyang nagpapasigla

IV
Mga oras na di natin gustong matapos
Mga sandaling atin pang naaayos.
Wala na at di na matingnan
Sa dulo ang tama wala sa umpisa.

Eton Centris, Quezon City. February 28, 2019. 11:15pm

No comments:

Post a Comment